Resource

3 uri ng site na maganda ang kinikita sa AdSense

Larawan ng resource
Pinakamahuhusay na kagawian

Sinusubukan mo bang alamin kung paano i-monetize ang iyong site? Palaging mahusay ang performance ng 3 uri ng site na ito sa AdSense.

Gusto mo bang malaman kung paano i-monetize ang iyong website gamit ang Google AdSense? Kung oo, ang pinakaunang tip para sa Google AdSense ay ang alamin kung anong mga uri ng site ang may pinakamalaking kinikita sa Google AdSense. Ang pinakasimpleng sagot dito ay isang site na naglalaman ng maraming content na nakatutok sa isang partikular na paksa at may mataas na volume ng trapiko. Pero para maging mas partikular, narito ang tatlong uri ng site na dapat mong subukang gawin kung gusto mong kumita sa AdSense.

Anumang uri ng site ang gagawin mo, tiyaking sumusunod ito sa mga patakaran ng Google AdSense. Sa partikular, basahin ang tungkol sa mga partikular na uri ng content na hindi pinapahintulutan sa Google AdSense.

1. Isang blog site

Hindi gaya ng mga site na may ilang page ng content na bihirang magbago, ang mga blog ay mga site kung saan ikaw at ang iba pa ay regular na magdaragdag ng bagong content (ikaw rin ang responsable sa content na mula sa iba alinsunod sa mga patakaran ng AdSense) . Para sa ilang blog, nasa pagitan ng bawat oras hanggang sa bawat buwan ang puwedeng maging dalas nito. Nakadepende ito sa maraming salik, kasama na ang dami ng mga contributor at dami ng oras na mailalaan ng mga may-ari at editor para magsuri at mag-publish ng content.

Ginagamit ng mga sikat na blog gaya ng Daily Dot ang Google AdSense para i-monetize ang kanilang mga bisita, na nagdaragdag ng mula lima hanggang sampung milyong impression kada buwan, ayon sa Google Display Planner. Naglalagay sila ng mga banner ng Google AdSense sa iba't ibang lugar sa kanilang buong site, kabilang sa header, footer ng blog post, at sa pagitan ng mga listing ng mga pinakasikat na post sa bawat kategorya.

Naka-embed na larawan ng resource

2. Isang forum site

Kung hindi ka kumportable sa ideyang gumawa ng sarili mong content o mamahala ng mga contributor ng content, ang forum ang susunod na pinakamagandang uri ng site para kumita sa AdSense. Ang mga forum ay mga lugar kung saan pumupunta ang mga tao para magtalakay ng mga partikular na paksa. Halimbawa, ang catforum.com ay isang forum na para sa lahat ng mahihilig sa pusa at mino-monetize gamit ang Google AdSense.

Isa itong napakaaktibong forum na may mahigit isang milyong post at mahigit 49,000 miyembro. Makakakita ng mga Google AdSense ad ang mga miyembro ng site na hindi nagbabayad kapag nag-log in sila at habang bumibisita sila sa mga talakayan.

Pagdating sa mga forum, kailangan mo munang gumawa ng content, pero sa halip na mahahabang content ng blog ang gagawin mo, kakailanganin mong gumawa ng mga talakayan at makahanap ng mga taong makikipag-ugnayan sa iyo sa mga talakayang iyon. Sa paglipas ng panahon, dadami ang mga taong makikipagtalakayan tungkol sa pangunahing paksa, at magsisimula na ring mag-click ang iyong mga bisita sa mga ad na kaugnay ng paksang iyon. Tiyakin lang na suriin ang mga espesyal na patakaran ng AdSense kaugnay ng content na binuo ng user.

3. Isang site para sa libreng online tool

Para sa mga developer o mga may badyet para kumuha ng mga developer, ang paggawa ng isang site na may libreng online tool ay isa pang paraan para kumita sa AdSense. Puwedeng sumikat ang mga online tool, lalo na kung makakahanap ka ng tamang target na audience na gagamit nito at kung maipaparekomenda mo ito sa kanila sa komunidad nila.

Halimbawa, ang GIFmaker.me. May libreng online tool ang site na ito na nagbibigay-daan sa iyong gumawa ng mga GIF, na mas sumisikat na ngayon sa mga social media network. Habang gumagawa ng libreng GIF, ipinapakita sa bisita ng site ang ilang Google AdSense ad sa itaas ng site at sa mga sidebar.

Naka-embed na larawan ng resource

Kung magiging #1 ang iyong site ng libreng online tool sa rank ng target na keyword mo, magiging sulit ang ipinuhunan mo sa pag-develop ng libreng online tool dahil sa iyong kita sa AdSense.

Kahit na ano pang uri ng site ang gamitin mo para sa Google AdSense, narito ang tatlong susi para matagumpay na ma-monetize ang iyong website. Una, dapat mong tiyakin na magiging interesado ang mga tao sa pipiliin mong paksa para sa iyong blog, forum, o libreng online tool at, sa madaling salita, hahanapin nila ito.

Puwede mong gamitin ang tool na AdWords Keyword Planner ng Google para makita kung sikat ang naiisip mong paksa sa mga gumagamit ng Google Search. Halimbawa, may 110,000 average na buwanang paghahanap ang gif maker, na nauugnay sa mahigit isang milyon nilang bisita kada buwan ayon sa SimilarWeb. Gusto mong makatiyak na ginagamit ang keyword sa mga naaangkop na lugar sa iyong site, alinsunod sa Mga Alituntunin ng Webmaster ng Google sa ilalim ng seksyong may pamagat na Tulungan ang Google na maunawaan ang iyong mga page.

Pangalawa, kailangan mong gumawa ng isang bagay na mapapakinabangan ng mga bisitang pumupunta sa iyong website. Totoo na ang pangunahin mong layunin ay mag-click sila sa iyong mga ad para kumita ka. Pero kung hindi ka gagawa ng mga interesanteng blog post, magmo-moderate ng nakakaengganyong talakayan, o magbibigay ng mahalagang tool, hindi na pupunta ang mga tao sa iyong website, at mawawalan ka ng mga bisitang magki-click sa mga ad mo.

Pangatlo, i-promote ang iyong blog, forum, o tool para makuha ang mga kinakailangan mong bisita na magbabasa ng iyong content, makikipag-ugnayan sa mga talakayan, at gagamit sa tool mo. Sa pag-promote sa iyong site, matutulungan mo itong magkaroon ng mga pagbabahagi sa social media at mahahalagang backlink, at ang huling nabanggit ang pinakamakakatulong sa iyong site na makakuha ng magandang rank sa mga search engine. Puwede kang sumangguni ulit sa Mga Alituntunin ng Webmaster ng Google sa ilalim ng seksyong may pamagat na Tulungan ang Google na mahanap ang iyong mga page para matuto pa kung paano pataasin ang mga ranking ng website mo sa mga search engine sa tamang paraan.