Resource
Paano pinakamagandang i-format ang iyong site para sa AdSense
Gusto mo bang dagdagan ang kita mo sa AdSense? Tingnan ang 4 na tip na ito para maging handa ang iyong site na kumita gamit ang AdSense.
Pagdating sa kita sa Google AdSense, napakahalaga ng layout ng iyong site. Hindi maganda kung masyado kang maraming ad, na hindi na makita ng mga bisita ang iyong content at aalis na lang sila nang hindi man lang naengganyong mag-click ng kahit ano. Pero hindi rin maganda kung ilalagay mo ang iyong mga ad sa mga lugar kung saan hindi agad makikita at baka hindi mapansin ang mga ito. Kaya mahalaga ang pag-optimize ng AdSense para sa iyong website. Narito ang ilang tip sa Google AdSense para magawa ito.
1. Gumawa ng espasyo para sa leaderboard banner.
Walang tatalo sa malaking graphic sa itaas ng page pagdating sa pagtawag sa pansin ng mga bisita sa iyong site. Para sa karamihan ng mga site na gustong ma-optimize ang kinikita nila sa AdSense, ito ay isang leaderboard banner na nasa 728 pixels ang lapad at 90 pixels ang taas. Para sa ilang site, baka mas malaki pa ito.
Ang maganda sa leaderboard banner, hindi lang ito nakakatawag ng pansin ng mga tao, para na rin itong tatak ng respeto para sa iyong site. Kung minsan, gumagamit ang mga publication gaya ng Time magazine ng malalaking ad sa itaas ng site nila para mag-monetize.
Ang ibang publication naman, gaya ng Entrepreneur, ay gumagamit minsan ng mga karaniwang leaderboard banner sa ibaba ng header nila.
Makukuha kaagad ng dalawang ito ang pansin ng iyong bisita habang mabilis pa rin niyang maa-access ang content mo, kaya magandang opsyon ang mga ito para kumita sa AdSense.
2. Maglagay ng sidebar para sa parihaba o skyscraper na banner.
Ang susunod na tip sa Google AdSense ay magkaroon ng isang sidebar (o dalawa) na magbibigay-daan sa iyong maglagay ng mga karagdagang banner sa website mo. Puwede kang pumili sa mga parihaba o skyscraper na banner na may mga nakatakdang laki, o puwede mong piliin ang mga tumutugong banner na aayon sa laki ng display ng iyong bisita.
Bukod sa mga benepisyo ng pag-optimize ng AdSense, puwedeng gamitin ang iyong (mga) sidebar para magpakita ng impormasyon tungkol sa kung paano ka patuloy na masusubaybayan ng mga bisita sa site mo sa pamamagitan ng email o mga social network. Titiyakin nitong babalik sila at magkakaroon sila ng pagkakataong mag-click sa iba't ibang ad.
3. Maghanap ng lugar sa ibaba ng iyong pangunahing header para sa mga unit ng link.
Tandaang hindi ka puwedeng mandaya at hindi mo puwedeng pamukhaing mga menu ng navigation ang mga unit ng link ng AdSense para i-click ito ng mga tao. Pero madaling ibagay ang mga unit ng link sa ibaba ng pangunahing header ng iyong content para sa mga site ng blog at balita, at kitang-kita pa rin ang mga ito kung gagamit ka ng tradisyonal na kulay ng link, o kulay ng link na bagay sa tema ng site mo.
4. Magdagdag ng pahalang na banner sa gitna o dulo ng iyong content.
May dalawang lugar kung saan ka puwedeng maglagay ng pahalang na banner kapag nagsimula nang makatawag ng pansin ng iyong bisita ang content mo. Kung walang dahilan para umabot ang mga bisita sa dulo ng content (gaya ng talakayan o kahon ng komento), ilagay ito sa gitna ng content. Baka hindi niya ito inaasahan at mapa-click mo siya.
Kung maraming pakikipag-ugnayan at talakayan sa iyong site, ilagay ito sa dulo. Mas mainam kung ilalagay ito kung saan mapupunta ang bisita pagkatapos ma-post ang komento niya, dahil malamang na paalis na rin naman siya ng site mo sa sandaling iyon. Kaya bigyan mo na lang din siya ng magandang lugar na puwede niyang sunod na puntahan.