Resource
Paano ihanda ang iyong site para madagdagan ang kita mo sa AdSense
Gusto mo bang dagdagan ang kita mo sa AdSense? Tingnan ang 4 na tip na ito para maging handang kumita ang iyong site gamit ang AdSense.
Plano mo bang magsimula ng site para kumita sa pamamagitan ng Google AdSense, o iniisip mo ba kung paano papalakihin ang iyong kita sa Google AdSense? Kung oo, narito ang ilang tip kung paano ihanda ang iyong site para masulit ang AdSense at ma-maximize ang kita mo.
1. Gumawa ng natatangi at mahalagang content.
Una sa lahat, posibleng aprubahan ng Google AdSense ang iyong site sa umpisa, pero puwede itong suriin sa ibang pagkakataon para matiyak ang kalidad nito. Sa madaling salita, hindi mo puwedeng punuin ang iyong site ng content na mababa ang kalidad para makapag-index at makapag-monetize ka ng 100 page.
Sa halip, maghanap ng isang bagay na kinahihiligan mo at maghanap ng ibang taong ito rin ang kinahihiligan. Pagkatapos, makipagtulungan sa kanila para makagawa ng uri ng content na gugustuhing basahin ng ibang taong kinahihiligan din ang paksang iyon.
2. Gawing sticky ang iyong site.
Baka hindi agad mag-click sa iyong mga AdSense ad ang mga bisita sa website mo, at kung umalis sila pagkatapos tumingin sa iisang page, malamang na habambuhay nang mawawala sa iyo ang mga bisitang ito at ang potensyal mong kikitain sa kanila sa AdSense. Ito ang dahilan kaya kailangan mong gumawa ng site na sticky.
Ang ibig sabihin nito, kailangan mong tiyaking gugustuhin ng bawat bisitang pupunta sa iyong site na magbasa nang magbasa sa site. May ilang paraan para magawa ito. Una sa lahat, kailangan mong magkaroon ng malinaw na navigation sa itaas ng iyong site para mahanap ng mga bisita ang pinakamagagandang bahagi.
Pagkatapos, tiyaking sa mas maraming content nagli-link ang bawat content. Sa ganoong paraan, kung hindi nasisiyahan ang bisita mo sa page na napuntahan niya, baka makakita siya ng link sa ibang paksa kung saan siya magiging interesado.
Bilang panghuli, maglagay ng mas maraming link sa content sa sidebar. Ipaalam sa iyong mga bisita ang pinakasikat mong content, ang iyong content na pinakamadalas na ibinahagi, at ang content mong may pinakamaraming komento. Gugustuhing malaman ng mga bisita kung bakit napakasikat ng mga partikular na content na iyon, kaya mas magtatagal sila sa iyong site. At kung mas madalas maglo-load ang iyong mga page, mas marami silang ad na makikita, kaya mas malaki ang puwede mong kitain sa Google AdSense.
3. Bigyan ang iyong mga bisita ng maraming channel pabalik sa site mo.
Huwag hayaang makalimutan ng mga bisita mo ang iyong site. Ang iyong header, sidebar, dulo ng content, at footer ang mga perpektong lugar kung saan puwedeng maglagay ng maraming channel kung saan puwedeng kumonekta sa iyo ang mga bisita para masubaybayan ka nila. Dapat kang magsama ng mga opsyon tulad ng mga pag-opt in sa email at social network. Sa ganoong paraan, sa tuwing may gagawin o ipo-promote kang content, puwede mong ipaalala sa iyong bisita ang tungkol sa site mo at baka mapabalik mo rin siya para mag-click sa isa o higit pa sa iyong mga AdSense ad.
4. I-optimize ang iyong karanasan ng user.
Isang bagay na nagkakaroon ng negatibong epekto sa maraming may-ari ng site ang karanasan ng user. Posibleng nasa iyo ang pinakamagandang content at ang pinakamagandang placement ng ad na posible, pero kung hindi naglo-load sa mga mobile device ang iyong site o kung mabagal itong mag-load, puwedeng mawala sa iyo ang marami sa mga bisita mo bago pa sila magkaroon ng pagkakataong mabasa ang iyong content o mag-click sa mga ad mo.
Kaya mahalagang gumawa ka ng ilang bagay para sa iyong site. Una, magsagawa ng ilang simpleng pagsubok gamit ang Subukan ang Aking Site sa Google para matiyak na gagana nang maayos ang iyong site para sa mga user sa mobile at mabilis itong maglo-load. Kung may anumang isyu sa site mo, ituturo sa iyo ng dalawang tool na ito ang mga isyung iyon para maayos mo.
Pangalawa, mag-sign up para sa Google Analytics at Google Search Console kung hindi mo pa nagagawa. Magbibigay-daan sa iyo ang Google Analytics na bantayan ang mga antas ng trapiko mo, kaya kung makakapansin ka ng pagbabago, puwede mo itong suriin kaagad. Maraming iba't ibang tool ang Google Search Console na makakatulong sa iyong malaman kung may anumang isyu sa performance ang website mo o kung mayroon itong iba pang error na posibleng nagdudulot ng problema sa iyong mga bisita.