Resource
Paano palaguin ang trapiko sa iyong website
Ang bagong trapiko ang sentro ng anumang website, at sa artikulong ito ie-explore natin ang ilang libreng strategy na puwede mong gamitin para palawakin ang iyong abot, at humimok pa ng mga online na bisita.
Bago magsimula, kailangan mo munang linawin kung bakit kailangan mo ng higit pang trapiko. Gusto mo bang palaguin ang iyong komunidad? Magbenta pa ng mga produkto? Maghimok ng panlipunang adhikain? Kung ang huli, halimbawa, walang saysay na humimok ng mga mamimiling gustong gumastos at bumili ng mga bagay-bagay, dahil mababagot lang ang mga ito at aalis.
Kapag malinaw ka na sa iyong mga layunin, handa ka nang i-promote ang iyong site, at paramihin ang trapiko mo.
Karaniwan, posibleng pagbukud-bukurin ang pag-promote ng website sa tatlong kategorya:
Ang mga may bayad na promosyon ay kapag nagbayad ka para mag-advertise sa ibang platform o website (hal. sa page ng mga resulta sa Google kung gumagamit ka ng Google Ads).
Ang pagmamay-aring promosyon ay posibleng listahan ng mga subscriber sa email na binibigyan mo ng balita o mga alok paminsan-minsan.
Ang kinitang promosyon ay iba pang website na naka-link sa iyong site – gaya ng iba pang blog o isang artikulo sa diyaryo na binabanggit ka.
May ilang diskarte na napapailalim sa lahat ng tatlong ito. Halimbawa, mga binayarang ad sa social media na hinihikayat ang iyong mga follower na i-repost at ipalaganap ang iyong balita/adhikain/mga produkto sa iba pang user. Gayunpaman, ang kinakailangan ng lahat ng tatlong ito ay ang magandang content na humihimok sa mga tao, at pinapabalik sila nang maraming beses.
Ang susi sa magandang content
Puwede kang bumuo ng nakakaengganyong content sa ilang iba't ibang paraan. Kung blogger ka tungkol sa isang partikular na paksa – gaya ng pagkain – ang isang posibleng opsyon ay ang mag-interview ng mga lokal na chef sa kung paano lutuin ang kanilang paboritong pang-holiday na putahe. O kung isa kang wedding planner, puwede kang gumawa ng natatanging content o istatistika na puwedeng sanggunian ng mga tao – gaya ng bilang ng inaasahang kasalan sa susunod na taon, o mga bagong trend sa makeup ng ikakasal. Puwede ka ring magsagawa ng Twitter poll at i-publish ang mga natuklasan mo.
Anupaman ang iyong anggulo, kapag tiniyak mong visual na nakakaengganyo ang content mo at madali itong maintindihan, mahihikayat ang mas maraming tao na ma-enjoy at ibahagi ito. At tandaan, kapag na-update na ang iyong site ng bagong content, tiyaking idagdag ang mga link sa dati mong content – at gayundin ang kabaligtaran, kung nauugnay. Narito ang ilan pang tip sa paggawa ng bukod-tanging content.
Mga paraan para paramihin ang trapiko
Ngayong handa na ang iyong content, narito kung paano mo ito maipapakita sa mga tamang audience.
1. Organic na social media
Posible itong napakaepektibong paraan para buuin ang iyong audience at himukin ang trapiko. Ang susi ay ang pananaliksik at paghahanap sa mga social media platform na pinakaginagamit ng iyong audience. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng paghiling sa iyong mga kasalukuyang customer o komunidad, o sa simpleng paghahanap sa Google. Makikilala mo kaagad ang mga uri ng content na gusto ng mga tao at kung saan sila karaniwang pumupunta para ikonsumo ito. Halimbawa, kung mayroon kang knitting blog, posibleng matuklasan mong tumitingin sila sa YouTube para sa mga bagong tip, o na gusto nilang mag-post at talakayin ang mga pinakabago nilang gawa sa Instagram.
Kung napagdesisyunan mong mag-invest sa social media, tiyaking magtaguyod ka ng consistent na iskedyul sa pagpo-post, at iangkop ang content mo sa bawat platform. Halimbawa, sa Twitter, kakailanganin mong limitahan ang iyong mga post sa 280 character. Nililimitahan din ng YouTube Shorts ang mga video sa hindi lalampas sa 60 segundo. Isa pang mahalagang gawin ay tiyaking gawing nakakaengganyo hangga't posible ang iyong content. Kaya sa halip na mag-post lang ng plain na text, bakit hindi gumawa ng simpleng graphic na huhuili sa atensyon ng mga mata ng mga tao kapag nagso-scroll sila, at hinihikayat silang ibahagi ito.
Kaugnay rito, palaging gumamit ng mga social media meta tags para maimpluwensyahan kung paano lalabas ang iyong site kapag ibinahagi sa pamamagitan ng social media. Higit pa tungkol sa paksang iyan dito.
Bilang panghuli, huwag kang mahihiya. Kung nag-uusap ang mga tao tungkol sa isang paksang kinagigiliwan mo o na kung saan ka eksperto, makisali at magdagdag ng sarili mong dating.
2. Mga listahan ng email
Sa paglago ng iyong site, posibleng itanong mo sa mga user ang kanilang mga email address para puwede kang makipag-ugnayan sa kanila. Bago magsimula, mahalagang ipakita sa mga tao kung anong makukuha nila bilang kapalit – libreng guide man ito, espesyal na alok, o buwanang buod ng iyong balita.
Anupaman ang mapagpasyahan mong ialok, palaging maging consistent sa istilo at dalas ng iyong content, at tandaang magsama ng malilinaw na call to action button sa email mo na hihimukin ang iyong mga user pabalik sa site mo. Isa pang nangungunang tip: huwag na huwag i-spam ang iyong audience. Bukod pa sa pagiging ilegal sa ilang bansa, posible ring mawalan ng gana ang iyong audience at gustuhin nilang mag-unsubscribe.
3. Search engine optimisation (SEO)
Ang SEO ay isang nakakatulong na tool na puwedeng makatulong sa iyong lumabas nang mas mataas sa mga resulta ng search engine, at bumuo ng bagong trapiko. Ang susi sa iyong tagumpay ay ang paggawa ng bago at nakakaengganyong content – at ang isang magandang lugar na puwedeng pagsimulan ay ang Google Trends. I-type lang ang iyong pinagtutuunang larangan (hal. “yoga”) para makita kung nagbago ang interes sa paghahanap sa paksang iyon sa paglipas ng panahon, at kung anong iba pang kaugnay na parirala at salita ang hinahanap ng mga tao (hal. “yoga nidra” o “hot yoga”). Pagkatapos, puwede mong gamitin ang mga terminong ito bilang basehan ng iyong mga artikulo o blog, para mas malamang na lumabas ang website mo kapag naghahanap online ang mga tao.
Ang isang nangungunang tip dito ay na tiyaking naka-set up ang site mo para ma-crawl at ma-index ito ng Google at iba pang search engine. Gamitin ang Panimulang gabay sa SEO na ito, o panoorin ang aming on-demand na webinar . Kung isa kang publisher, inirerekomenda rin namin ang webinar na ito na tinitingnan ang mga mobile site, pagination, duplicate na content, at higit pa.
Habang nagiging mas sikat ang iyong site, puwede mo ring subukang makakuha ng trapiko sa pamamagitan ng pagpapalawak patungo sa mga market sa ibang bansa – at ipinapakita ng gabay na ito kung paano i-localize ang iyong content para sa mga bagong audience na ito.
4. Libreng PR
Ang isa pang diskarte na puwede mong subukan ay ang libreng publicity. Para magsimula, kakailanganin mong gumawa ng isang press release. Puwedeng tungkol ito sa kahit anong posibleng pinagkakainteresan ng iyong audience, basta't daragdagan mo ito ng sarili mong dating o anggulo. Halimbawa, kung may cooking blog ka at maglulunsad ka ng cookbook na pang-holiday, bakit hindi i-highlight na vegan ang lahat ng iyong recipe, o na idinisenyo ito ng iyong lola.
Kapag malinaw ka na sa iyong kuwento at natatanging anggulo, kakailanganin mo namang pagdesisyunan kung sino ang magiging interesadong mabalitaan ito. Sa kasong ito, posibleng mga food blogger, cooking site, o kahit pa isang celebrity na vegan sa Twitter. Kung hindi ka tiyak kung saan ipapadala ang iyong press release, subukang gumawa ng mabilis na paghahanap sa Google para makahanap ng libreng serbisyo sa pagpapahayag ng press release.
Mga nangungunang tip para sa paggawa ng magandang press release:
- Magsulat ng agaw-pansin na headline na kukuha sa atensyon ng mambabasa/mamamahayag/blogger.
- Dumiretso sa punto. Ano ang inaalok mo? Ano ang ginagawa ng iyong produkto? Bakit ito mahalaga?
- Makahanap ng nakakaengganyong anggulo o panimula sa iyong kuwento (hal. “Ngayong panahon ng holiday, 1 sa 5 taga-Britain ang magluluto ng vegan na pagkain para sa kanilang pamilya.”)
- Kung posible, gumamit ng mabibilis na bullet point sa halip na mahahabang paragraph.
Higit sa lahat sa mga PR campaign, subukang magkaroon ng pasensya at huwag umasang magkakaroon ng resulta sa isang magdamag lang. Posibleng abutin ng ilang pagsubok bago maipalaganap ang iyong kuwento, at kakailanganin mong maglaan ng oras para malaman kung sino ang mga nangungunang boses sa iyong larangan, at bumuo ng mga ugnayan sa kanila.
Handa nang makakuha pa ng trapiko?
Bagama't makakatulong ang anuman sa mga strategy na ito, inirerekomenda naming pumili muna ng isa – pagkatapos, gamitin ang analytics ng iyong site para subaybayan ang nagiging epekto nito. Bagama't posibleng mas magtagal ang ilang diskarte kaysa sa iba, makikita mo rin kung ano ang gumagana para sa iyo, at kung ano ang mas tinutugunan ng audience mo. At kalaunan, babatiin mo ang mga bagong bisita sa iyong site, at patungo ka na sa pagkamit sa mga layunin mo.