Resource

Gusto mo bang malaman kung paano kumita gamit ang mga ad sa iyong site? Subukan ang Google AdSense

Larawan ng resource
Pagsisimula

Maraming paraan para kumita sa pag-advertise. Kung gusto mong kumita sa Google, inirerekomenda naming subukan mo ang AdSense para sa iyong site. Narito ang kailangan mong malaman para makapagsimula.

Alam mo bang maraming paraan para kumita sa Google AdSense? Na posibleng may mga napapalampas kang pagkakataong kumita sa Google? Kung gusto mong i-maximize ang kita mo sa Google AdSense, tiyaking tingnan ang mga sumusunod na paraan para kumita sa AdSense.

1. Gumawa ng tamang uri ng website para sa Google AdSense.

Mas mahusay ang nagiging performance ng ilang uri ng site kaysa sa iba pagdating sa kinikita sa Google AdSense. Ang dalawang bagay na kailangan mo para kumita sa AdSense ay magandang content at maraming trapiko.

Pagdating sa content, may dalawang uri nito. May content na nanghihikayat ng bagong tao sa iyong site araw-araw, at may content na nanghihikayat na bumalik ang mga bisita sa site mo araw-araw. Mas maganda kung may maganda kang balanse sa dalawa. Sa ganitong paraan, palagi kang magdadala ng bagong trapiko at matitiyak mong magiging suking bisita ang malaking bahagi ng bagong trapikong iyon.

Kasama sa mga site na maganda para sa content na nakakahikayat ng bago at bumabalik na bisita ang sumusunod:

Bagama't hindi lang ito ang mga uri ng mga site na puwede mong gawin, ang mga ito ang pinakamadaling i-optimize gamit ang magandang content, i-promote, at hanapan ng layout na mahusay pagdating sa pagpapakita ng content at pagkuha ng mga pag-click sa iyong mga Google AdSense ad.

2. Gumamit ng iba't ibang uri ng unit ng ad.

Gumagamit ang iba't ibang kumpanya ng iba't ibang istilo ng ad kapag gumagawa ng mga ad nila sa pamamagitan ng serbisyong para naman sa mga advertiser - ang Google AdWords. Magkakaroon sila ng opsyong gumawa ng mga simpleng ad na batay sa text, image ad, at video ad.

Dahil may opsyon ang mga advertiser na gumawa ng mga ad sa iba't ibang format, dapat mong bigyan ang iyong audience ng pagkakataong makakonekta sa mga advertiser na may mga ad na mas malamang nilang i-click sa pamamagitan ng paggamit ng iba't ibang uri ng unit ng ad sa site mo.

Kapag nagdedesisyon kung anong uri ng ad ang gagamitin at kung saan ilalagay ang mga ito, tiyaking isaalang-alang ang karanasan ng user. Dapat palaging mas marami ang content kaysa sa mga ad sa iyong page. Gamitin ang Google Analytics para subukan ang bilang, placement, at istilo ng mga ad sa iyong site para makita kung ano ang pinakamainam para sa site at mga bisita mo.

3. Mag-deploy ng Mga Custom na Search Ad ng AdSense.

Kung may site kang marami ang content (blog, balita, forum, atbp.), puwede mong gamitin ang Custom Search ng AdSense sa iyong site. Hindi lang ito magbibigay-daan para magkaroon ng magandang karanasan ang mga user mo sa pamamagitan ng pagtulong sa kanilang makahanap ng partikular na content sa iyong site, makakatulong din ito sa iyong i-maximize ang mga kinikita mo sa Google AdSense sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga ad kasama ng mga resulta ng paghahanap sa iyong site.

Naka-embed na larawan ng resource

Tandaang magkaiba ang Custom Search ng AdSense at ang Google Custom Search at kakailanganin mong mag-apply para mailagay ang Custom Search ng AdSense sa iyong site at magsimulang kumita sa pamamagitan ng mga user ng search sa site mo.

4. Magsimulang kumita gamit ang Google AdSense sa YouTube.

Ang Google AdSense ay hindi lang para sa mga gumagawa ng content na nakabatay sa text o mga libreng online tool. Kung mas gusto mong gumawa ng mga video, magsimulang mag-publish ng mga natatanging video sa YouTube sa sarili mong YouTube channel.

Kapag naisaayos mo na ang iyong channel, puwede mong puntahan ang mga feature ng iyong YouTube channel at i-on ang pag-monetize. Gagabayan ka nito sa proseso ng pag-link ng YouTube channel mo sa iyong AdSense account para ma-monetize mo ang iyong mga video.

Pagkatapos mong ikonekta ang iyong YouTube channel sa AdSense account mo, puwede kang pumili kung aling mga video ang imo-monetize at kung anong mga uri ng mga ad ang ipapakita sa mga nanonood ng iyong video. Pumunta lang sa iyong Video Manager, tingnan ang video na gusto mong i-monetize, at piliin ang mga setting ng ad ng video na iyon.

Naka-embed na larawan ng resource

Pagkatapos, puwede ka nang mag-browse sa iyong Video Manager anumang oras para makita kung aling mga video ang na-monetize (batay sa berdeng simbolo ng dolyar sa tabi nito) at pamahalaan ang mga setting ng mga ito.