Resource

Mga tip sa pag-monetize ng website para ma-optimize ang iyong kita sa Google AdSense

Larawan ng resource
Pagsisimula

Maraming paraan para kumita sa Google, simula sa pag-monetize ng website sa pamamagitan ng AdSense. Narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat mong malaman para matukoy kung handa na bang kumita ang iyong site.

Handa ka na bang kumita sa Google? Kung oo, mainam na tiyakin mong handa na ang iyong site bago ka mag-apply sa Google AdSense at magsimulang maglagay ng mga ad sa site mo. Kung hindi, baka hindi maaprubahan ang iyong site sa Google AdSense. Para matiyak na handa nang kumita ang iyong site gamit ang Google AdSense, narito ang isang checklist ng mga item na kailangan para magsimula.

Nagbibigay ba ang iyong site ng magandang karanasan ng user?

Maging blog man, forum, o static na site na naglalaman ng impormasyon ang ginawa mo, kailangang maging handa ang iyong site para magkaroon ng magandang karanasan ang iyong mga bisita. Ibig sabihin nito, dapat mong bigyan ang mga bisita mo ng mahalagang content na may kaugnayan, magandang tingnan, at nakakaengganyo.

Bukod pa sa de-kalidad na content, hahanapin rin ng Google ang mga elemento ng karanasan ng user gaya ng transparency at pagiging katiwa-tiwala, kadalian sa pag-navigate, at mabilis na pag-load ng page. Kaya tiyaking magbigay ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan na madaling hanapin (sa minimum, ang iyong pangalan, isang form sa pakikipag-ugnayan, at isang email address), isang malinaw na navigation bar, at isang pulidong site na naglo-load nang mabilis.

I-test ang iyong site para makita kung gaano kabilis itong naglo-load at kung anong mga elemento ang baka nagpapabagal sa pag-load ng iyong mga page. Bibigyan ka ng tool na ito ng daan para i-test ang iyong site sa mga desktop at mobile na browser, para maayos mo ang anumang isyu na makakapinsala sa karanasan ng iyong user.

Anong uri ng content ang nasa iyong site?

Ang Google AdSense ay isang pampamilyang network. Inaasahan ng aming mga publisher na magbibigay ang Google Network ng may matataas na kalidad na advertiser ng brand, matataas na cpc at cpm, at saklaw sa maraming paksa. Nakadisenyo ang aming mga patakaran para matiyak na mapapanatili namin ang tiwala ng mga publisher at pati na rin ng mga advertiser sa aming network. Puwede kang sumangguni sa pangkalahatang Mga Patakaran ng Google AdSense o page ng Mga Patakaran sa Content ng Google AdSense para sa higit pang detalye tungkol sa uri ng content na ipinagbabawal sa aming network. Kung may content sa iyong site na lumalabag sa aming mga patakaran, hindi mo mamo-monetize ang iyong site gamit ang AdSense.

Sumusunod ba ang iyong site sa Mga Alituntunin ng Webmaster ng Google?

Isa sa mga balakid na nararanasan ng mga may-ari ng site kapag nagsimula na silang maghanap ng mga paraan para mag-monetize ng mga website ay kapag nakakahanap sila ng payo sa pag-promote ng kanilang site na hindi naman maganda. Kung layunin mong kumita sa Google gamit ang Google AdSense, dapat mong sundin ang Mga Alituntunin ng Webmaster ng Google

Bilang buod, nagtatakda ng pamantayan ang mga alituntuning ito para wastong mai-promote ng mga may-ari ng site ang kanilang mga site gamit ang mga tool na ibinigay ng Google (gaya ng Google Search Console at Google Analytics), de-kalidad na content, at organic na pagkuha ng link sa halip na mga scheme ng link.

Mayroon bang patakaran sa privacy ang iyong site?

Hindi agad naiisip ng mga may-ari ng site ang patakaran sa privacy, hanggang sa hilingin na sa kanila ito. Isa itong page sa iyong site na nagpapaliwanag sa mga bisita mo kung paano pinapangasiwaan o ginagamit ang kanilang data kapag gumagamit ang site ng mga partikular na program na gaya ng Google AdSense, Google Analytics, at iba pang serbisyong posibleng mangolekta ng kanilang impormasyon.

Inirerekomenda ng Google na gumawa ng isang patakaran sa privacy na inilalahad ang anumang paggamit ng data kaugnay ng mga serbisyo ng Google sa iyong site, o gumawa ng prominenteng link sa site mo sa page na Paano gumagamit ng data ang Google. Bukod pa rito, inirerekomenda rin ng Google na gumawa ng paghahayag sa iyong patakaran sa privacy tungkol sa anumang third-party na vendor, kabilang ang Google, na posibleng gumagamit ng cookies para maghatid ng mga ad, at na ipaalam sa mga user na may opsyon silang mag-opt out sa mga paghahatid ng ad ng third-party.

Inirerekomenda nilang gamitin ang Network Advertising Initiative bilang gabay para matuto pa tungkol sa kung paano mag-draft ng sarili mong patakaran sa privacy. Sa partikular, nag-aalok ang kanilang FAQ ng sagot sakung gaano dapat kadetalyado ang iyong patakaran sa privacy.

Ano ang pinakamahuhusay na kagawian para maiwasan ang paglabag sa patakaran ng Google AdSense?

Narito ang ilan sa pinakakaraniwang paglabag sa patakaran na madaling iwasan para magawa mong i-monetize ang iyong website gamit ang Google Adsense.

  • Huwag i-click ang sarili mong mga ad sa Google AdSense o hikayatin / bigyan ng insentibo ang mga bisita para i-click nila ang iyong mga ad sa Google AdSense.
  • Huwag tumanggap ng trapiko mula sa mga partikular na source, gaya ng mga programang paid-to-click, hindi hininging email, o mga display ad mula sa mga naka-automate na software na application.
  • Huwag baguhin ang AdSense code para artipisyal na pagandahin ang performance ng ad.
  • Huwag masyadong damihan ang mga unit ng ad ng AdSense sa isang page, at huwag gamitin ang AdSense sa ilang partikular na paraan, gaya ng sa mga pop-up, email, o software.
  • Hindi puwedeng gumawa ng ilang karanasan ng user ang iyong site, tulad ng pag-redirect sa mga hindi hininging website, pagsisimula ng mga download, pagsasama ng malware, o pagkakaroon ng mga pop-up na nakakasagabal sa kakayahan ng user na mag-navigate sa buong site.

Kung tingin mo ay handa na ang iyong website na kumita ng pera gamit ang Google AdSense, mag-click dito para mag-sign up sa Google AdSense at bumisita sa aming Help Center para matuto pa tungkol sa pagsisimula rito.